WebClick Tracer

Justin ng SB19 maglalabas kantang ‘Kaibigan’ sa Hulyo 19

Maglalabas ng solo song ang miyembro ng SB19 na si Justin De Dios sa Hulyo 19.

Sa X, may pa-teaser si Justin sa kanyang solo song na “Kaibigan.”

“[M]aaari bang sabihin kung ano ang sinasabi ng mga mata mo? 🫂” saad niya sa kanyang caption.

Makikita rin sa post ang poster ng bagong kanta na kung saan nakasakay siya sa likod ng pickup kasama ang isang babae.

Ayon sa larawan, ang official song at music video release ay sa Hulyo 19. Magsisimula ang iba’t ibang promo at teaser sa July 11, na sisimulan sa cover art ng kanta.

Matatandaan na inilabas ni Justin ang kanyang debut solo single na “Surreal” kasama ang isang cinematic music video noong Pebrero.

Samantala, inilabas ng SB19 ang kanilang comeback single na “Moonlight” noong Mayo, na may music video na idinirek ni Justin. Siya rin ang nagdirek ng music video para sa debut solo single ni Stell, “Room.” (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on