WebClick Tracer

Hindi po ako adik – Billy Crawford

Willing sumailalim sa drug test ang aktor, TV host at singer na si Billy Crawford upang tuldukan ang mga espekulasyong gumagamit siya ng droga kaugnay ng pagpayat niya.

Inamin ni Billy na nasaktan siya sa naturang paratang sa kanya.

“It’s like a circle sa buhay ko. It’s a non-stop conversation, is my ‘nutrition’ or my diet. I’m not on a diet,” ani Billy sa panayam sa “24 Oras”.

“It used to faze me. It used to get me. It used to may kurot ng konti. Pero now, it really doesn’t anymore. Nakakatawa na lang,” dagdag pa niya.

Sey ni Billy, game siyang magpa-drug test para patunayang hindi adik

“Sa mga nakakakilala sa akin, I am by far one of the few artists [who] are the ones who don’t try drugs. We can all take a strand of our hair and do tests ngayon din. Puwede kong hamunin lahat ng tao dito ngayon. No problem. I have nothing to hide,” wika niya.

“Hindi po ako adik. Adik ako sa pamilya ko. Adik ako sa trabaho ko, and that’s it. I’m living, I think, my life to the fullest right now,” saad pa niya.

Ipinagmalaki rin niyang limang taon na siyang matino at hindi na umiinom ng alak o naninigarilyo mula noon.

“With God’s help and God’s grace, I did it. So I think everyone is allowed and able to change. You can change,” aniya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on