WebClick Tracer

Dingdong Dantes todo puri sa asawang si Marian Rivera

Todo puri ang actor-TV host na si Dingdong Dantes sa kanyang misis na si Marian Rivera.

Sa Instagram ni Dingdong, ibinahagi niya ang larawan ni Marian noong dumalo ito sa Century Tuna Superbods 2024 na kung saan nagsilbi siyang hurado.

Kalakip ng larawan ni Marian ang sweet at papuri nito sa asawa.

“Hindi lang ang iyong panlabas na kagandahan ang nagningning kagabi, kundi pati na rin ang natural mong talento sa pagpapasaya at pagpukaw sa puso ng mga Pilipino,” saad ni Dingdong sa post.

“P.S. ‘Di kailangang i-translate sa ingles, gets niyo na ‘to. 😉” ani pa ni Dingdong na pinatutungkulan ang pag-translate ni Marian sa English ng tanong niya sa isang contestant na nag-request ng “English please.”

“Love you mahal ko. Sa sususnod ikaw na tatawagan ko para mag translate! 😝” hirit naman ni Marian sa comment section.

Samantala, napuno naman ng pagbati para kay Marian ang post ni Dingdong. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on