WebClick Tracer

Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral ‘nagsubuan’ sa set

Aliw na aliw ang mga netizen sa behind-the-scene ganap ng casts ng hit seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” partikular na sina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral na mortal na magkaaway sa palabas.

Sa TikTok ni Cherry Pie, ibinahagi niya ang kanilang subuan moment ni Mercedes sa taping.

“Hi lena!! marites here☺️” saad ni Cherry Pie sa kanyang caption.

@yescppicache27 Hi lena!! marites here☺️ #fyp #batangquiapo #breaktimetiktok ♬ dilemma – Galuh

Matatandaan na sa serye, si Cherry Pie na gumanap bilang si “Marites” ang legal na asawa ni “Rigor” na ginampanan ni John Estrada.

Samantala, si Mercedes o “Lena” sa palabas naman ang kabit ni Rigor.

Dahil sa bangayan ng dalawa, marami ang tumutok sa serye.

Samantala, inuudyukan naman ang dalawang gumawa ng pelikula na kung saan magkasintahan silang dalawa.

Umabot na ang post ng 8.5 million views at may 1.3 million reactions. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on