WebClick Tracer

Suspek sa pagpatay sa babae sa hotel, nadakma sa Albay

Arestado sa hot-pursuit operation sa Ligao City, Albay ang suspek na sangkot sa pagpatay sa isang babae sa isang hotel sa Bacoor City, Cavite.

Sinabi ng Bacoor City Police Station (CPS) na sinampahan na ng kasong pagpatay ang suspek sa Bacoor City Prosecutor’s Office noong Lunes.

Noong Hulyo 3, natagpuang patay ang isang babae sa loob ng silid ng hotel matapos tumakas ang lalaking naka-check in sa pinangyarihan ng krimen.

Natagpuan din ang isang kutsilyo sa pinangyarihan ng krimen.

Sa pakikipag-ugnayan sa Ligao CPS, nahuli ng mga operatiba ng Bacoor CPS ang suspek noong Hulyo 6.

Kasalukuyan itong nakakulong sa Bacoor City Custodial Center. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on