WebClick Tracer

Russian DJ sa Pasay club dinakma ng BI

Isang overstaying na Russian Disc Jockey (DJ) na nagtatrabaho sa isang club sa Pasay City ang inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI).

Kinilala ang suspek na si Andrei Umanskii, 36.

May inisyu na ang board of commissioners ng BI na deportation order laban kay Umanskii noong 2023.

Anang ahensiya, dalawang beses nang nasangkot sa kaguluhan sa Palawan si Umanskii.

Una ay noong 2020 at sumunod noong 2022.

Ani BI Commissioner Norman Tansingco, hindi welcome ang mga dayuhang inaabuso ang hospitality ng Pilipinas.

TELETABLOID

Follow Abante News on