WebClick Tracer

Pulis na nang-araro ng mga protester noong 2016 pinaaaresto ng korte

Naglabas ng warrant of arrest ang isang korte sa Maynila laban sa isang pulis na nagpaandar ng sasakyan at sinagasaan ang mga nagprotesta sa isang rally sa US Embassy noong 2016.

Ayon sa utos na ipinost ni Bagong Alyansang Makabayan president Renato Reyes Jr., naglabas ang Manila Metropolitan Trial Court Branch 7 ng warrant of arrest laban kay PO3 Franklin Kho para sa kasong tatlong bilang ng attempted homicide kaugnay ng marahas na dispersal ng protesters.

Itinakda ng korte ang kanyang piyansa sa P36,000 sa bawat bilang.

Sa Setyembre 2, 2024 naman ang kanyang arraignment at pre-trial. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on