WebClick Tracer

P300,000 Halaga Ng Gadgets Tinangay Sa Cavite

Isang hindi pa nakikilalang suspek ang nagnakaw ng P300,000 na halaga ng cellphone at iba pang gadgets sa isang tindahan sa Alfonso, Cavite noong Martes.

Sa inisyal na ulat mula sa Alfonso Municipal Police Station, sinira ng suspek ang padlock sa roll-up door ng shop at tinangay ang 37 na cellphone, dalawang laptop at isang tablet.

Inireport ng store manager ang insidente sa pulisya matapos matuklasan ang pagnanakaw makalipas lang ang ilang oras.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing kaso.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on