WebClick Tracer

Oyo Sotto nakakakilig tribute kay Kristine Hermosa: ‘Biggest blessings in my life’

Kinilig ang mga netizen sa napakatamis na tribute ni Oyo Sotto para sa asawang si Kristine Hermosa.

Sa kanyang Instagram post, flinex ni Oyo ang dalawang photo nila ng aktres, na ang isa ay kanilang wedding photo.

Inakala ng marami na wedding anniversary nina Oyo at Kristine dahil umaapaw sa sweetness ang mensahe ng una.

Sey niya, si Kristine ang pinakamalaking blessings na natanggap niya.

“13 years ago, I married the woman I dearly love,” panimula ng dyunakis ni Vic Sotto.

“She’s been my partner in everything, my inspiration and one of the biggest blessings in my life. She has shown me what true care and love mean. Now that our family is growing, I can’t wait to continue showering our family with the same alaga she’s been giving us all these years para kitang kita ang alaga sa mga kids at ganda ni Ondrea, just like her,” saad pa niya.

Hirit naman niya, “Thank you! Pero hindi po namin anniversary today.”

Ikinasal sina Oyo at Kristine noong January 12, 2011 sa Club Balay Isabel sa Batangas.

Mayroon silang apat na anak. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on