WebClick Tracer

Nikko Natividad magiging daddy na uli!

Magiging daddy na muli ang aktor na si Nikko Natividad sa ikalawang anak matapos ianunsiyo ng kanyang asawang si Cielo Eusebio na buntis siya.

Sa Instagram ni Cielo, nagbahagi siya ng mga larawan na kung saan makikita ang pregnancy test at iba pa nilang mga larawan pamilya.

“Even miracles take a little time. #babyontheway 🙏🏻🙌💖 Biggest blessing for 2024🤰❤️” ani Cielo sa kanyang caption.

“After 4 years of trying, we are feeling grateful and blessed for this miracle. We can’t wait to meet you, little one! 😍” aniya pa.

Napuno naman ng pagbati para sa mag-asawa ang comment section ng post.

Matatandaan na 2021 nang magpakasal ang dalawa. May anak sila na si Aiden na siyam na taong gulang na. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on