WebClick Tracer

Murder suspect na nagtago ng 12 taon, timbog ng MPD

Nahuli na ang isang suspect sa murder sa Parola, Tondo matapos itong magtago ng 12 taon.

Nangyari ang pagpaslang noong Pebrero 2012 matapos barilin ng suspect ang biktima habang nakikipag-inuman ito.

Sa paliwanag ng Manila Police District (MPD), nagtago ang suspect noong lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya ilang buwan matapos mangyari ang pamamaril.

Lubos na nagpasalamat umano ang ina ng biktima sa kapulisan dahil nahuli na ang pumaslang sa kanyang anak.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng MPD ang suspect. (Migo Fajatin)

TELETABLOID

Follow Abante News on