WebClick Tracer

Mercedes Cabral bet inisin madlang pipol sa kontrabida role

Nag-e-enjoy daw ang aktres na si Mercedes Cabral sa kanyang role na kontrabida sa hit seryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Sa kanyang panayam kay Julius Babao nitong Martes, sinabi ni Mercedes na mas bet niya ang kontrabida role kay sa sa bida.

“Nae-enjoy ko siya actually. Nae-enjoy kong magkontrabida kumpara sa…kasi na-experience ko na ring maging bida.May ginawa akong teleserye. ‘Yong ‘Hiyas.’ ‘Yon ‘yong unang-unang teleserye ko,” ani Mercedes.

“Nakakapagod din siya kasi siguro, like, portraying ang bida rin. Ang bigat. Like, emotionally parang ‘yong demand niya like kawawa ka. ‘Yong demand na iiyak ka,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Mercedes na kung kontrabida ang role niya sa isang palabas, nailalabas niya ang kanyang emosyon.

“Pero ‘pag kontrabida, na-realize ko parang ‘wow ang saya pala na nilalabas mo ‘yong sama,” wika ng aktres.

Ginagampanan ni Mercedes ang role ni “Lena” sa naturang palabas na kung saan kabit siya ni “Rigor” na ginagampanan naman ni John Estrada. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on