WebClick Tracer

Karla Estrada may panawagan sa mga fan ni Daniel Padilla

Naglabas ng panawagan si Karla Estrada para sa lahat ng supporters ng kanyang anak na si Daniel Padilla.

Saad niya: “Pakiusap lang po. No bashing tayo please. Hindi yan ang klase ng pamamaraan ng pag suporta na gusto ng aming Pamilya para kay Daniel.”

Dagdag pa niya: “We appreciate your support, but please, no bashing to others. Ipagmalaki Ang lahat ng Blessings ni DJP. Respeto para sa Blessings ng iba. Maging masaya tayo sa tagumpay ng bawat isa. NO TO HATE. NO TO BASHING. Salamat 🙏🏻.”

Ang panawagan ay matapos na ilang fans umano ni Daniel ang kumuwestiyon sa ginagawa ng ex niyang si Kathryn Bernardo sa life nito.

Ito’y matapos mag-viral ang sexy dance moves ni Kathryn sa Superbods 2024 “Best You Ever” Finals Night ng Century Tuna. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on