WebClick Tracer

Kapit lang! Alyssa Valdez niyakap mga hindi napili sa PVL Draft

Nakatanggap ng comfort mula kay Philippine volleyball icon Alyssa Valdez ang mga hindi nakuha sa isinagawang unang Premier Volleyball League (PVL) Rookie Draft.

Maliban sa words of encouragement, binigyan din ni Valdez ng kanyang power hug ang ilan sa 24 applicants na olats sa team.

“I told them this is just a stepping stone for them para abutin ‘yung mga dreams nila to be a part of any teams in the PVL,” wika ng three-time PVL Most Valuable Player.

“It’s just the beginning. This is the first draft, so marami pa silang opportunities na mapupuntahan at mag-o-open sa kanila. Kapit lang, tiyaga lang, and work harder and smarter,” dagdag pa niya.

Sa panig ng kanyang koponang Creamline Cool Smashers, isang player lang ang sinungkit nito sa first round — ang Filipino-Canadian libero na si Aleiah Torres.

Ginanap ang draft sa Novotel Manila sa Cubao noong Lunes, July 8. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on