WebClick Tracer

Incorporator ng POGO konektado sa Pharmally firm – Hontiveros

Isang incorporator ng isang kumpanya ng Philippine Offshore and Gaming Operations (POGO) ang konektado rin sa kontrobersiyal na Pharmally firm na sangkot sa overpriced medical supply noong Covid-19 pandemic, ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

Sa pagpapatuloy na pagdinig ng Senate committee on women sa iligal na POGO, sinabi ni Hontiveros na isang Gerald Cruz, incorporator sa Break Hearts Technology, ay may kaugnayan din sa Pharmally Biological.

“That BreakHearts Technology Inc., which used to be a service provider, we dug deeper into Break Hearts, and we looked at its incorporators. Of the seven incorporators, four are from Davao. But what really interests me here is Gerald Cruz. Did Cruz appear in PAGCOR’s investigation,” tanong ni Hontiveros kay Atty. Jessa Mariz Fernandez, PAGCOR Assistance Vice President and POGO Licensing Department.

Ipinakita pa ni Hontiveros sa screen ang koneksiyon ni Cruz sa Pharmally.

“Cruz was also connected to Pharmally Biological, we are exclaiming Oh my God. With Huang Su Yen, involved in a big money laundering case in Taiwan, and with Allan Lim. For those who may have forgotten, Allan Lim is Lyn Wei Ziong is connected or linked to the importation of shabu in the country. Has this connection been noted by the PAGCOR?” tanong pa ng senadora.

Sagot naman ni Fernandez, kamakailan lang nila nalaman na may koneksiyon si Cruz sa Pharmally.

Binanggit din ni Hontiveros na dawit din si Cruz sa FullWin Corporation kung saan presidente si Michael Yang, dating economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“In fact, ang Xionwei Technologies Inc, ang na sinasabing pagma-may-ari ni Yang at pangalan ng emaila ddress ng Break Hearts, sound familiar. Ang Break Hearts and Xionwei Technologies Inc., parehong email address,” ani Hontiveros.

“So malinaw pa sa sikat ng araw, through Gerald Gruz who is is the link between the POGO in Bamban ni Alice Guo and Michael Yang. And through their email address, Break Hearts and Xionwei, Michael Yang maybe involved in this criminal operations na iniimbestiga natin sa Pogo,” sambit pa ng senadora. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on