WebClick Tracer

Germy Mahinay malabo sa PBA

Hindi pa nakakasigurado si dating Negros Muscovados center Germy Mahinay na makakapasok siya sa PBA Season 49 Rookie Draft

Ito’y dahil sa mga ban niya mula sa MPBL at Games and Amusements Board (GAB).

.

Nakuha ni Mahinay ang ban mula sa parehong organisasyon pagkatapos niya tuhurin sa ere si Ray Barcuma ng Zamboanga City Family’s Brand Sardines noong laban ng dalawang koponan noong Abril.

Bumagsak si Barcuma at hindi nakatayo ng ilan minuto habang si Mahinay ay lumayo lang sa pangyayare habang nakataas ang kamay bilang pagako ng foul.

Na-thrown out si Mahinay habang hindi nakabalik si Barcuma sa laban pagkatapos.

Nag-file na ng appeal si Mahinay sa GAB ngunit hindi pa ito rumeresponde.

“May separate indefinite suspension siya from GAB so medyo may doubt,” ayon sa source ng Fastbreak. “Although Germy made an appeal, wala pang response ang GAB.”

Lahat ng atleta na nais maglaro sa mga professional league ay nangangailangan ng playing license mula sa GAB na ang regulatory body ng sports ng Pilipinas. (Miguel Dumlao)

TELETABLOID

Follow Abante News on