WebClick Tracer

Dating scam hub sa Pasay gagawing bahay ng mga taong lansangan – DSWD

Magsisilbi nang transient house ang dating scam hub sa Pasay City para sa families and individuals in street situation o FISS sa ilalim ng Pag-abot Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Binisita nina Secretary Rex Gatchalian at Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano kahapon sa William Street ang panibagong processing center ng programa.

Sinabi ni Gatchalian na nagamit din ng pamahalaan sa mabuti ang dating pugad ng scam hub.

Layon ng Pag-abot Program na umakay sa mga street dweller para mabigyan ng nararapat na tulong. (Andrea Salve)

TELETABLOID

Follow Abante News on