WebClick Tracer

COMELEC maraming nilabag sa pag-abruba sa Miru System — former solon

Maraming nilabag ang Commission on Elections o COMELEC sa pag-apruba nito sa Miru Systems na magsuplay ng makinang gagamitin sa 2025 Midterm Elections.

Ito ang inihayag ni Former Caloocan Second District Representative Edgar Erice sa programang Bardagulan sa Radyo rito sa Abante Radyo, kaugnay ng isyu sa pagpabor ng COMELEC sa Miru Systems.

Ayon kay Erice, lumabag at inabuso ng COMELEC ang kapangyarihan nito nang i-disqualify nila sa bidding ang Smartmatic kahit walang sapat na batayan.

Kinwestiyon din ni Erice ang paggamit ng komisyon ng prototype system at kung nagamit na ng ibang bansa ang makinang gagamitin sa susunod na taon.

“Sinasabi ko kasi illegal na iligal pinasok nilang kontrata, una sa section 12 republic act 9369 o election automated law na sinabi doon na hindi puwedeng gumamit ng prototype system. Ang prototype system ay isang system na hindi pa nagamit sa anumang bansa sa buong mundo. Kaya nga ang sabi ko kay chairman Garcia sabihin niya nalang na saan nagamit yang makina na yan o sistema na yan sa buong mundo para malaman natin kung talagang nagamit na, nasa batas yon,” ani Erice.

Sinabi pa ni Erice na nangangamba siya na posibleng magkagulo kung susubukan ng bansa ang bagong sistema at bagong election provider.

Dagdag pa niya, bukod sa may paglabag ang COMELEC sa proseso ng bidding ay nakapagtataka ang laki ng gastusin para sa susunod na eleksyon.

“Tapos ang sinasabi ko ang puno’t dulo nito ay korapsiyon bakit hindi tayo gumagamit 6 billion per election. 5 election na iyan ha. Yung 2016 binili pa natin yung makina. Hindi pa tayo gumastos ng 6 billion. 18 billion lease lang. Tapos walang kalaban sa bidding,” ani pa nito.

Sinabi pa ni Erice na malaki ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa malaking tubo sa mga equipment na gagamitin sa eleksiyon.

“Ibig sabihin sa isang daang libong tubo edi 12 billion yung nawawala sa kaban ng bayan, eh nagugutom ang mga Pilipino ang mahal ng bilihin, ang laki ng utang natin tapos ganyan wawaldasin yung pera natin,” Tinig ni Former Caloocan Second District Representative Edgar Erice.

https://www.facebook.com/share/v/wsKqeS3Hg4ih947J/?mibextid=oFDknk

TELETABLOID

Follow Abante News on