WebClick Tracer

Cayetano: Gastos sa new Senate building posibleng umabot sa P27B o higit pa

Maaaring umabot pa sa pagitan ng P25 bilyon hanggang P27 bilyon ang gastos sa konstruksiyon ng new Senate building (NSB), mas mataas pa sa P21 bilyon hanggang P23 bilyon na tinantiya noong 2021.

Ang pagtaas na halaga ng gusali ng Senado ang pinakasentro ng diskusyon ng ikalawang pagdinig ng Senado Committee on Accounts na siyang nagsasagawa na masusing pagsusuri sa NSB project.

Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, pointless o walang kabuluhan ang projected cost ni Senador Nancy Binay na P21 bilyon lamang ang gastos ng gusali gayong ang estimated cost ay maaring umakyat pa sa P27 bilyon o higit pa dahil sa inflation at global economic condition.

Sa pagdinig noong nagdaang linggo, nagkainitan sina Cayetano at Binay, ang dating chair ng komite na in-charge pagtutuok sa kontruksiyon ng NSB mujla pa noong 2022.

Iginit ni Binay na P21 bilyon lamang ang construction cost ng gusali at hindi P23 bilyon na sinabin ni Cayetano.

Sa pagdinig nitong Miyerkoles, dismayado si Cayetano sa outdated price estimate na isinumite ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang project manager ng NSB.

“I’ll be very honest, this is what we want to avoid. Senator Nancy and I debated the cost. The total project cost was over P23 billion, and the total construction cost was P21.7 billion. Both figures are correct depending on the argument, but cooler heads, including myself, can reconcile those numbers,” punto ni Cayetano.

“The problem is, the additional submissions you gave me are outdated,” sabi pa niya sa DPWH. “So, our debate over P21.7 billion or P23 billion is moot because the total project cost now exceeds P23 billion.”

Inamin naman ni Engr. Soledad Florencio ng DPWN na hindi updated ang kanilang estimate o pagtataya.

“Our submitted budget cost estimates are based on 2021 costs. We admit these are not updated. So, in your terms, Mr. Chair, we need to update them,” ani Florencio.

Giit ni Cayetano, kailangan ng accurate na figures at may mga construction professional na may iba’t ibang pagtataya na 20% hanggang 40% na increase.

“Based on a conservative 20-percent increase, the cost is between P25 and P27 billion now,” ani Cayetano. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on