WebClick Tracer

Blackpink Jennie nag-sorry sa pagbi-vape, pagbuga ng usok sa staff

Humingi ng paumanhin si Blackpink member Jennie matapos mabatikos dahil sa pagbi-vape niya indoors.

Sa video, makikitang nagbi-vape si Jennie habang mini-make-up-an at ibinubuga ang usok patungo sa staff.

Ang naturang footage ay parte ng vlog na in-upload sa YouTube channel ni Jennie noong July 2.

Burado na sa vlog ang naturang eksena.

Nitong July 9, naglabas ng statement ang OA Entertainment, ang agency ni Jennie.

Saad nito, labis na pinagsisisihan ni Jennie ang nangyari at nag-sorry na rin sa staff.

“Hello. This is OA Entertainment. We sincerely apologize to everyone who felt uncomfortable with Jennie’s actions in the content released on July 2.

“Jennie acknowledges and deeply regrets her mistake of vaping indoors and causing inconvenience to the staff. Jennie has personally apologized to all the staff on-site who may have been affected.

“We apologize to her fans who have been disappointed through this incident. We hope to prevent this from reoccurring in the future. Thank you.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on