WebClick Tracer

Bawal magsunog effigy sa SONA — QCPD chief

Hinimok ni Quezon City Police District (QCPD) chief Bgen. Redrico Maranan ang mga progresibong grupo na iwasang magsunog ng mga effigy sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 22.

“Sinasabi ng Batas Pambansa 880 bawal magsunog ng effigy yun naman eh maliwanag na nakasulat sa batas,” ani QCPD chief Bgen. Redrico Maranan.

Sa Quezon City, aabot sa 6,000 pulis ang ipapakalat sa ikatlong SONA.

Sinabi pa ng hepe ng QCPD, isang explosive ordnance disposal robot ang kukuha ng mga kahina-hinalang pakete at bagay.

Ayon pa kay Maranan, pinag-uusapan ng mga progresibong grupo, pulisya, at lokal na pamahalaan kung saan maaaring isagawa ang mga kilos-protesta.

Idinagdag niya na ang mga pulis ay mag-oobserba ng maximum tolerance ngunit inirerekomenda na magsagawa ng mga rally hanggang sa Tandang Sora Avenue.

“Kung hanggang saan sila papayagan yan po ay naka depende sa QC LGU sapagkat sila naman ang may mandato mag isyu ng permit. Usually nakalagay dun sa permit kung saan hanggang saan at kung ano oras yung pwede ganaping rally,” aniya. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on