WebClick Tracer

Alice Guo pumalag sa subpoena ng Senado, nagpasaklolo sa SC

Hiniling ng kampo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Supreme Court (SC) na ipawalang-bisa ang subpoena na inilabas laban sa kanya ng Senado kaugnay ng imbestigasyon sa ni-raid na POGO hub sa kanyang nasasakupan.

Sa petisyon para sa certiorari, hiniling ni Guo sa SC na ipawalang-bisa ang Subpoena Ad Testificandum na inisyu ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.

Sabi sa petisyon: “Petitioner Guo, a child, a daughter, a woman, a public servant, and one with family and name of her own, has already been adjudged guilty of all sorts of crimes.”

“Her constitutionally guaranteed freedoms and rights have been repeatedly violated, ignored, and/or disregarded,” dagdag pa nito.

Bukod dito, hiniling din ng kampo ni Guo sa korte na utusan ang komite na huwag na siyang imbitahin o gawing resource person.

Nitong Miyerkoles, Hulyo 10, na-cite in contempt na ng Senado si Guo at 22 iba pa dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig.

Ipinag-utos din ang pagpapalabas ng arrest order laban kay Guo. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on