WebClick Tracer

Abante Horoscope | July 11, 2024 Huwebes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Huwebes July 11.

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Mas mapapanatag ka kung sasabihin mo ang mga hindi mo talaga alam. Kung ano ang totoong estado sa buhay ay iyon din ang sabihin. Lucky number for today: 3

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Pagbigyan ang sarili at pairalin ngayon ang self-love. Magpahinga at gawin ang mga bagay na makapagpapasaya sa`yo. Lucky number for today: 9

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Wag pumulot ng bato na ipupukpok mo sa sariling ulo. Hindi masamang magmahal pero tiyaking wala kang ibang masasaktan. Lucky number for today: 4

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

Maeenganyo ka sa tamis ng pananalita ng kausap at aalukin ka ng pagkakakitaan. Bago sumabak o sumang-ayon, tiyaking hindi ito scam. Lucky number for today: 8

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Malapit ka ngayon sa gulo kaya iwasang makipagtalo. Habaan ang pisi dahil may isang taong manunutil sa`yo na ikapipikon mo. Lucky number for today: 5

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

Ipagpaliban mo muna ang iyong binabalak. Hindi pa ito ang tamang panahon kaya awat muna. Hintayin ang tamang timing. Lucky number for today: 1

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Magkakaroon ng konting problema sa lovelife na masosolusyunan din. Magiging positive naman ngayon ang iyong career. Lucky number for today: 10

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Madali ka ngayong ma-magnet sa tukso. Ibayong pag-iingat at kontrol sa sarili ang gawin para walang pagsisihan sa maling hakbang. Lucky number for today: 6

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Laging mag-smile. Idilat ang mata na puno nang pag-asa. Lumayo sa mga taong toxic at nega para dumaloy ang good vibes. Lucky number for today: 12

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Umpisahan na ang iyong pinaplano. Anuman ang puwedeng gawin ngayon ay wag nang ipagpabukas pa upang di maunahan ng iba. Lucky number for today: 7

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Paglabanan at wag sukuan ang mga kinakaharap na challenges. May masasagap na balitang labis mong ikatutuwa at ng iyong pamilya. Lucky number for today: 11

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Anuman ang pinanghahawakan ngayon ay tipirin dahil magagamit mo yang puhunan. Posible kang makapangibang bansa. Lucky number for today: 9

TELETABLOID

Follow Abante News on