WebClick Tracer

20M hindi lang para sa SONA food

Nilinaw ni House Secretary General Reginald Velasco na ang P20 milyong gastos sa State of the Nation Address (SONA) ay hindi lamang para sa pagkain kundi para rin sa iba pang gastusin sa paghahanda.

“There has been some misunderstanding about the figures mentioned, and I want to ensure that everyone has the correct information,” sabi ni Velasco sa isang press statement.

“The amount of P20 million I referred to represents the total budget earmarked for the preparations and execution of the SONA. This figure is an estimate and has not yet been fully expended. The budget covers a range of essential expenses to ensure the event’s success, beginning from March 12, 2024, when the SONA Task Force was created,” dagdag pa nito.

Ayon kay Velasco hindi lamang ang mahigit 2,000 bisita ang papakainin sa araw ng SONA at kasama ang mga pulis, tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at iba pang support staff.

Ang may 2,000 empleyado umano ng Kamara de Representantes ay bibigyan din ng tatlong set ng uniporme na gagamitin hindi lamang sa araw ng SONA kundi sa araw-araw nilang pagpasok matapos ang event.

“Expenses related to meetings with all departments and agencies involved in the SONA preparation to ensure seamless coordination and planning,” sabi ni Velasco.

Kasama rin umano sa pagkakagastusan ang mga kailangang security equipment, invitations at giveaways, LED walls at iba pang equipment para mapaganda ang audiovisual presentation at ambiance sa Kamara at maglalagay din umano ng mga bulaklak at halaman.

May alokasyon din umano sa iba pang gastusin katulad ng dagdag na medical support mula sa kalapit na ospital.

“As Secretary General of the House of Representatives, I want to assure the public that we are committed to transparency and responsibility in spending public funds. Every peso allocated for the SONA is carefully scrutinized and managed to reflect the significance of this Constitutionally mandated event while being conscious of public sentiments regarding the use of taxpayers’ money,” giit ng opisyal..

“Our goal is to ensure that the 2024 SONA is conducted with the highest standards, reflecting our dedication to serving the people with integrity and accountability,” dagdag pa ni Velasco (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on