WebClick Tracer

2 menor de edad sa pananaksak sa UP Diliman natunton sa CCTV

Nakatulong ang closed-circuit television o CCTV upang matunton ng pulisya ang dalawang menor de edad na suspek sa panghoholdap at pananaksak sa isang babae sa UP Diliman.

Sa panayam ni Doland Castro sa programang “Aksyon Abante”, sinabi ni Quezon City Police District Station Commander PLTCOL Zachary Capillan na may mga nakapanayam silang saksi hanggang sa matunton nila ang suspek at ituro nito ang iba pa niyang kasamahan.

Dagdag pa niya, kakasuhan pa rin ang dalawang suspek kahit pa menor de edad ang mga ito. Edad 14 at 15 ang dalawang suspek.

Base aniya sa panayam nila sa mga suspek, nasa tamang pag-iisip at hindi nakagamit ng droga, solvent o nakainom ng alak ang mga ito.

Pumalag umano ang biktima kaya nauwi sa pananaksak ang kanilang panghoholdap. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on