WebClick Tracer

Tim Cone ipinagtanggol si Japeth Aguilar

Dinepensahan ni coach Tim Cone si Japeth Aguilar matapos ang performance nito sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Sa post sa X, inamin ni Cone na pinilit niya si Japeth na sumali sa Gilas Pilipinas.

“I begged Japeth to join us in Latvia.”

Nais na umano ni Japeth na bigyan ng pagkakataon ang mga batang manlalaro ngunit pinilit pa rin siya ni Cone.

“He wanted to let the young guys do it and spend more time with his wife and new baby. Kept begging him.”

Hirit pa ni Cone, “When AJ Edu went down, he finally relented after more

begging. He led us, he was our team captain. His sacrifice for country was total.”

Kamakailan lang ay nalaglag na ang Gilas matapos matalo sa Brazil.

TELETABLOID

Follow Abante News on