WebClick Tracer

Abante Horoscope | July 10, 2024 Miyerkoles

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Miyerkoles, July 10, 2024

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makikita na ang bunga ng mga investment mo noon. Ikaw ang magdadala ng saya sa sasamahang grupo. Lucky color: Violet, lucky number: 14.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mabilis kang mahihikayat ng tao kung sa pera lang nakatingin. Laging sumama sa mga taong nagdudulot ng mabuti sa iyo. Lucky color: Brown, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Tiwala sa iyo ang boss mo kaya pagbutihin pa ang trabaho. Makukuha mo na ang hustisya na hinihingi, magpasalamat sa tumulong sa iyo. Lucky color: Black, lucky number: 7.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Unahin ang mga dapat nang ipasa bago ka gumawa ng bagong task. Malaki ang posibilidad na magkaroon ng bagong pag-ibig na makakasama na sa buhay. Lucky color: Blue, lucky number: 10.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi natatapos sa pagbibigay ang pagtulong, makokompleto ito kung may nabago sa iyong tinulungan. Maging mapagmatyag sa mga taong nakakasalamuha. Lucky color: Yellow, lucky number: 4.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Baguhin na ang masamang nakasanayan na pumipigil sa iyong tagumpay. Sa pag-ibig hindi laging puso lang ang gamitin. Lucky color: Orange, lucky number: 12.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Tanggapin ang imbitasyon ng isang kaibigan, magbubukas ito ng panibagong opurtunidad sa iyo. Gumawa na ng desisyon bago mahuli ang lahat. Lucky color: White, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Pag-isipang mabuti kung kailangan nang lumipat ng trabaho. Kung magbibigay ito ng peace sa iyo ituloy na ang plano. Makakabalik ka sa dati mong kinalalagyan. Lucky color: Violet, lucky number: 4.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Awat muna sa stress dahil sa susunod na mga araw wala kang dapat gawin kundi pasayahin ang sarili. Pakinggan ang mga suhestyon na binibigay sa iyo. Lucky color: Pink, lucky number: 6.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang pagiging alerto mo ang magliligtas sa iyo sa isang delikadong sitwasyon. Ituloy ang pagtulong sa kapwa dahil sa may malaking pabuya ito sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 11.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung hindi maiiwasang bumili ng bagong damit, matutong humingi ng discount. Matutuloy na ang mga plano para ituloy ang pag-aaral. Lucky color: Green, lucky number: 9.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ikonsidera ang kalagayang pinansyal sa gagawing desisyon. Maging malikhain sa paghahanap ng solusyon sa problema. Hindi kailangan bago ang damit para masabing maporma. Lucky color: Violet, lucky number: 5.

TELETABLOID

Follow Abante News on