WebClick Tracer

Abante Horoscope | July 9, 2024 Martes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Martes, July 9, 2024

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Pagpapalain ka ngayon kung ikaw ang magbubuklod sa inyong pamilya. Iwasan ang pagkakanya-kanya.

Lucky number for today: 5

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Bantayan ang kalusugan para mapigilan ang nagbabadyang sakit. Magpahinga at umiwas muna sa mga bawal. Lucky number for today: 8

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Kakaway din sa`yo ang pagpapala pero kailangan mo muna ngayong maghigpit ng sinturon. Subukang palaguin ang pera sa negosyo. Lucky number for today: 11

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

Alalayan at wag dedmahin ang kaibigang nangangailangan ng tulong. Higit pa ang maibabalik sa`yong blessing. Lucky number for today: 7

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Magsabi nang totoo. Mas hahangaan ka ng taong ka-deal mo kung magiging tapat dahil may alam na siya sa`yong pagkatao. Lucky number for today: 12

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

May mai-encounter na gusot. Wag kang magpa-panic o magpapaapekto dahil kayang-kaya mong lusutan ito. Lucky number for today: 1

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

May makikilala sa social media na mambobola kaya wag agad maniniwala. Kilalanin muna ito at tiyaking hindi ka niya mapapaikot. Lucky number for today: 3

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

May hatid na buwenas ngayon sa`yo ang pagsusuot ng puti. Iwasang ma-late kung may lakad para mabitbit mo ang blessing. Lucky number for today: 13

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Ang pagiging mapagpasensiya mo ang isa sa katangiang minahal sa`yo ng iyong partner. Wag itong babaguhin. Lucky number for today: 2

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Pag-isipan nang mabuti kung itutuloy o hindi ang binabalak. Hingin ang panig at gabay ng magulang at malalapit na kaibigan. Lucky number for today: 15

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Unti-unti ka nang nagkukulang sa taong malapit sa’yo nang hindi namamalayan. I-appreciate ang ginagawa niyang malasakit. Lucky number for today: 6

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Wag magdunung-dunungan kung hindi alam. Mabibisto ng kausap mo ang totoo mong karakas kaya magpakatotoo. Lucky number for today: 9

TELETABLOID

Follow Abante News on