WebClick Tracer

Korean footballer kinompronta mga mandurukot sa BGC

Nagbabala ang Korean footballer na si Yi Young Park ukol sa mga mandurukot sa major financial hub na Bonifacio Global City (BGC).

Sa video na shinare niya sa Instagram, makikita ang dalawang babae na kabilang umano sa dumukot sa wallet niya.

“Why you stole my wallet?” maririnig na sabi ni Yi Young Park habang bini-videohan ang isa sa mga babae.

Ayon sa kanya, nangyari ang pandurukot sa harap ng One Bonifacio.

Naglalakad daw siya sa kalsada nang mapansin ang pagpalibot sa kanya ng anim na babae.

Napansin din niya na may kakaiba sa kilos ng mga ito at nang tingnan ang kanyang bag ay nakabukas na ang zipper nito at nawawala na ang kanyang wallet.

“Three people were in front of me, blocking my path to prevent me from walking quickly, and others were close behind me and then the people nearby suddenly dispersed and I noticed something strange,” wika niya.

“So I checked my bag immediately and it was too late. the zipper was opened… they had stolen my wallet,” dagdag niya.

Nagsimula na raw lumayo sa kanya ang mga mandurukot na nahati sa tatlong grupo.

Sa iba-ibang direksiyon daw tumakas ang mga ito pero may isang grupo siyang nakompronta at hiningi niya pabalik ang kanyang wallet.

Pero nagsimula raw magalit kunyari ang mga mandurukot at tinanong kung nababaliw na ba siya.

“I asked the nearby guard for help to stop them because they had stolen my wallet, but the guard could not provide any help,” kuwento pa niya.

Sinundan pa rin daw niya ang mga mandurukot at nang makarating sila sa lugar na konti ang mga tao, isa raw sa mga babae ang nagsabi sa kasama na ibalik na lamang ang wallet niya.

Kaya nakuha raw muli ng footballer ang wallet niya pero hindi niya napansin na nawala ang kanyang cash.

“After checking all the IDs and cards in my wallet, I started taking videos to leave evidence. Unfortunately, I was not able to check my cash inside of my wallet at that time, so some cash is still missing. Anyway long story short, I’m safe and I got my wallet back but still missing some cash. Is it good or bad? I hope that you all remain alert and careful that something like this never happens again,” saad niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on