WebClick Tracer

Michele Gumabao nilantad ‘dyowa photos’ nila ni Alyssa Valdez

Ipinakita ni Creamline Cool Smashers star Michele Gumabao ang mga itinatago niyang litrato nila ni Alyssa Valdez.

Sa Instagram, idinaan ni Michele ang birthday greeting niya kay Alyssa.

Makikita sa post niya ang photos nila together ng “The Phenom” sa Europe, na sey niya, para silang magdyowang dalawa.

Wish ni Michele, sana raw ay may bumihag na sa puso ng kanyang kaibigan.

“Europe: hoping somebody steals your heart and not your wallet 😂 Happy birthday my friend!! parang jowa lang yan, better late than never 🙊 eto na yung photos na tinatago ko kasi Baka magselos si Aldo… at si Ella 🤫 to more trips and memories,” ani Michele. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on