WebClick Tracer

Abante Horoscope | June 30, 2024 Linggo

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Linggo, June 30, 2024 Linggo

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Panindigan ang naging desisyon mo, wala kang dapat na ikabahala dahil merong taong susuporta sa iyo. Lucky color: Pink, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Bigyan ng time ang sarili na mag-heal muna bago ka pumasok sa panibagong relasyon. Hindi mo maibibigay sa iba ang bagay na wala ka. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maririnig mo na sa kanya ang paghingi ng tawad, kapag nangyari ito maging bukas ang isipan at huwag siya agad barahin sa buhay mo. Lucky color: White, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mababayaran ka na ng taong nagkautang sa iyo, matuto na sa nangyari at huwag nang magpautang uli kung ayaw mong maabuso. Lucky color: Red, lucky number: 12.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi magtutugma ang schedule ninyo para sa travel na iyong inaasam, pero huwag magalala dahil merong mas magandang mangyayari. Lucky color: Green, lucky number: 3.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ikaw ang aasahan ng isang kapamilya para matupad ang kanyang plano, pagbigyan mo siya dahil meron naman itong kapalit. Lucky color: Yellow, lucky number: 24.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Alagaan ang katawan, pati na ang puso laban sa mga toxic na kaibigan. Lucky color: Brown, lucky number: 4.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag ka agad mahulog sa mga magagandang pangako, meron talagang mga tao na mapanloko. Lucky color: Pink, lucky number: 10.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi lahat ng pangako niya ay matutupad, maging open minded dahil may mga bagay lang talaga na mahirap makontrol. Lucky color: Orange, lucky number: 5.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ikaw na ang dumistansya mula sa mga taong toxic sa buhay mo. Kung may karelasyon, pag-usapang mabuti ang issue sa pera. Lucky color: Violet, lucky number: 8.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Alam mo naman kung sino sa mga kaibigan mo ang ginagamit ka lang, layuan mo na sila. Lucky color: Blue, lucky number: 18.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang taong mapagkakatiwalaan ang magbabalik sa iyo, ngayon ka na bumawi sa kanya. Lucky color: Yellow, lucky number: 6.

TELETABLOID

Follow Abante News on