WebClick Tracer

James Yap napakatamis ang birthday greeting sa ‘one and only baby girl’

Isang napakatamis na birthday greeting ang ipinarating ni James Yap para sa kanyang “one and only baby girl” na si Francesca.

Nag-share si James ng nagkyukyutang picture ng kanyang unica hija sa Instagram para sa 6th birthday nito.

“Happy 6th birthday to my one and only baby girl, Francesca. I love you so much,” caption ng basketball player.

Maliban kay Francesca, may anak din na lalaki si James at ang current wife niyang si Michaela Cazzola, na si Michael.

May anak ding lalaki si James sa ex-wife na si Kris Aquino. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on