WebClick Tracer

Abante Horoscope | June 29, 2024 Sabado

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Sabado, June 29, 2024

June 29, 2024 ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ipakita mo na mahalaga rin ‘yung taong tumulong sa iyo. Huwag mong pigilan ang kasiyahan ng ibang tao, babalik sa iyo ‘yan. Lucky color: White, lucky number: 3.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ikaw na ngayon ang hinahanap dahil sa skills at talent mo, bigyan mo ng tamang price ang ginagawa mo. Lucky color: Pink, lucky number: 14.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May choice ka naman e, hindi mo lang talaga pinapansin dahil mas nakapokus ka sa taong dinededma ka naman. Lucky color: Red, lucky number: 3.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mag-ambag, huwag basta mamburaot, nangangailangan din naman ang mga kasama mo. Lucky color: Green, lucky number: 11.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Tao ka lang nagkakamali, pero kung paulit-ulit iba na ‘yan tanungin na ang sarili kung saan nagkulang. Lucky color: Brown, lucky number:6.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi ka dapat sumuko ngayon dahil malapit ka na sa iyong goal. Dagdagan pa ang sipag. Lucky color: Orange, lucky number: 12.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Makakahanap ka na ng katapat! Mauuwi kaya ito sa pag-ibig? ‘Yan ang kaabang-abang sa iyo. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag mahiya na humingi ng tulong, meron ka pang dapat na gawin para mas umangat ang career. Lucky color: Violet, lucky number: 5.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Lawakan ang koneksyon para mas maging bongga ang negosyo o iyong career. Sa pag-ibig, olats ka pa rin. Lucky color: Pink, lucky number: 7.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kailangan mo ba talaga ang validation ng iba? Hindi nadadaan sa likes o engagement ang pagpapalakas sa tiwala sa sarili. Lucky color: Blue, lucky number: 6.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May magbabalik ng hiniram sa iyo, pero hindi pa ito ang perang hinihintay mo kaya huwag munang magsaya nang todo. Lucky color: White, lucky number: 2.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Puro ka trabaho, hindi na napapansin ang kaibigan o pamilya. Bigyan sila ng time ngayong weekend. Lucky color: Black, lucky number: 8.

TELETABLOID

Follow Abante News on