WebClick Tracer

Abante Horoscope | June 28, 2024 Biyernes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Biyernes, June 28, 2024

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Maganda ang magiging resulta ng iyong pinaplano kaya umpisahan na ito. Wag nang patangay sa mga kumukontra. Lucky number for today: 11

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Pokus ngayon ang kailangan mong pairalin sa pinagkakaabalahan. Mauungusan ka ng iyong mga kakumpitensya kung hindi magseseryoso. Lucky number for today: 8

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

May paparating na magandang oportunidad at kakailanganin mo ng puhunan. Tipirin muna ang anumang pinanghahawakan. Lucky number for today: 15

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Nagkamali ka man sa naging desisyon mo ay wag itong ibunton sa iba o sisihin ang sarili. Magiging buwenas ka sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 7

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

Marami ang bibilib sa`yo kung patutunayan mo ang iyong kakayahan. Gamitin ang iyong abilidad at talino. Lucky number for today: 4

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Ilaan ang oras sa mga makabuluhang bagay. Walang mangyayari sa`yong buhay kung babagal-bagal. Lucky number for today: 10

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

Pasalamatan at suklian ng sapat na atensyon ang mga taong nagmamahal sa iyo. Wag hintaying pagsisihan ito. Lucky number for today: 6

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Magiging marupok ka at madali ngayong matangay sa tamis ng pananalita kaya mag-isip muna bago bumigay. Lucky number for today: 17

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Makakatanggap ng blessing na kailangan mong ilaan sa tama. Bawasan ang paggasta o online shopping. Maging wais sa pagbadyet. Lucky number for today: 12

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Maghanda dahil posible kang mapasabak sa diskusyon. Magagamit mo na ang iyong mga nalalaman. Wag matakot magsalita. Lucky number for today: 1

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Itikom ang bibig at wag nang magdididikit sa mga `Marites.’ Mapapahamak ka kung aayunan ang kanilang mga tsismis. Lucky number for today: 5

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Lalayuan ka ng grasya kung gagawa ng masama sa kapwa. Pagpapatawad ngayon ang iyong pairalin sa

taong nanakit sa`yo. Lucky number for today: 9

TELETABLOID

Follow Abante News on