WebClick Tracer

Abante Horoscope | June 27, 2024 Huwebes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Huwebes, June 27, 2024

Abante Horoscope June 27, 2024 ARIES (Marso 21-Abril 19) – Huwag magpatalo sa mali mong habit, alisin na ito sa sistema habang maaga. Mapapalapit ka sa taong hindi ka sigurado kung dapat lapitan. Lucky color: Green, lucky number: 15.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi bago sa iyo ang maging loyal pero dapat mo ring isipin ang sarili mong kapakanan bago ang iba. Lucky color: Pink, lucky number: 8.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Wala kang maraming sasabihin pero bawat salita mo ay pakikinggan at ikokonsidera ng bawat makakarinig nito. Madali mo namang mapapansin kung may nagbago sa mahal mo. Lucky color: Violet, lucky number: 20.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Bantayan mo ang mga taong umaasa sa iyo, maaaring kailangan ka uli nila pero nahihiya silang magsabi sa iyo. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang masa matanda sa iyo ang magbibigay ng regalo na magagamit mo sa matagal na panahon. Ngayon ang panahon ng pagdiskubre sa sarili. Lucky color: Orange, lucky number: 2.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Huwag mo i-expect na madali kang makaka-move on, walang madali kapag mahalaga sa iyo ang isang bagay. Lucky color: Grey, lucky number: 11.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mayroong happy ending sa bawat kuwento, pati na sa love story mo. Hindi mo kailangan ng sign dahil sa loob mo, may nabuo ka nang desisyon. Lucky color: Green, lucky number: 29.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Madali kang mahihimok na bumili ng bagay na hindi mo naman talaga kailangan. Ikaw na ang magpakumbaba para magkaayos kayo. Lucky color: Orange, lucky number: 4.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Bigla kang bibisitahin ng taong nang-iwan sa iyo noon. Hindi na bago ang paiba-ibang mood niya, habaan na lang ang pasensya. Lucky color: White, lucky number: 6.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magkakaroon ka ng koneksyon sa mga taong may katulad mo ng goal. Suportahan ang isang taong matagal ding nag-stay sa ‘yo. Lucky color: Black, lucky number: 25.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nasa punto ka ngayon na kailangan mong mag-ingat sa mga salitang bibigkasin o sa mga kilos na gagawin para hindi ka malugi sa huli Lucky color: Red, lucky number: 22.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Anumang personal na problema ay pwede mo namang ibahagi sa mga taong mahalaga sa buhay mo para gumaan ang pakiramdam. Lucky color: Blue. lucky number: 7.

TELETABLOID

Follow Abante News on