WebClick Tracer

Yamsuan tinukuran panukala ni Erwin Tulfo para sa 24/7 trabaho sa infra projects

Sinuportahan ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang panukala ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na nagmamando sa 24/7 na paggawa upang agad na matapos ang mga infrastructure project ng gobyerno.

Ayon kay Yamsuan, ang panukalang Accelerated Infrastructure Development Act (House Bill 9666) ay naglalayong bawasan ang abalang dulot sa paggawa ng proyekto.

“In other countries, it is expected that the repair and construction of roads and bridges are done 24/7. Tulad ng lagi kong sinasabi, dapat ay baguhin na natin ang ating mindset at mga dating nakagawian. Sang-ayon ako sa aking kaibigan at kapwa mambabatas, si Cong. Erwin Tulfo at iba pang kongresistang nagbalangkas ng HB 9666 na dapat ay gawing requirement ang pagtatrabaho 24 hours a day, seven days a week sa mga public infrastructure projects,” sabi ni Yamsuan.

“Isang dahilan ng matinding trapiko lalo na sa mga highly urbanized areas ay ang mga naantalang infrastructure projects. If we ensure that work is done round the clock, then this will greatly minimize the time wasted and productivity lost by our workers,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng HB 9666, saklaw ng 27/4 na paggawa ang mga proyekto ng national government, local government units (LGUs), at government-owned and -controlled corporations (GOCCs).

Ang mga implementing agency at contractor na hindi susunod sa panukala ay pananagutin gaya ng pagbawas sa budget ng ahensya at hindi pagpapasali sa bidding ng mga susunod na proyekto.

Bukod kay Tulfo, may akda rin ng HB 9666 sina ACT-CIS party-list Representatives Jocelyn Tulfo at Edvic Yap, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City Rep. Ralph Wendel Tulfo. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on