WebClick Tracer

VP Sara, PBBM magkaibigan pa rin

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na magkaibigan pa rin sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“I would think, sa tingin ko, ay magkaibigan pa rin kami ni Pangulong Bongbong Marcos,” sabi ni Sara nang tanungin tungkol sa relasyon nila.

Tumanggi naman itong magbigay ng karagdagang detalye pa tungkol sa kaniyang relasyon sa Pangulo.

“Sa ibang panahon, pag-uusapan natin yan. Sa ngayon, ang pag-uusapan natin ay ang transition.”

Binigyan ni Sara ang Pangulo ng 30 day notice kung saan ganap na epektibo ang kaniyang pagbibitiw sa Department of Education (DepEd) sa Hulyo 19.

Samantala, binigyang-diin ng Bise Presidente na malugod niyang tatanggapin ang bagong appointee. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on