WebClick Tracer

Trak na may kargang grocery snack tinangay

Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong lalaki na sangkot umano sa pagnanakaw ng isang trak na may kargang grocery snack sa Imus, Cavite noong Linggo.

Base sa ulat ng pulisya, nawala ang trak at kalaunan ay natagpuan sa Carmona sa tulong ng isang Global Positioning System (GPS) device.

Nang marekober ang sasakyan, ang mga produkto na nagkakahalaga ng P123,000 ay hindi na mahagilap.

Sa pag-review naman sa CCTV footage malapit sa lugar, nakilala ang mga suspek.

Nasa kustodiya na ngayon ng Imus Component City Police Station (CCPS) ang mga suspek at nahaharap sa kasong carnapping at qualified theft.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on