WebClick Tracer

Pokwang wala raw ‘K’ tumalak tungkol sa mga kabit

Tumalak uli ang komedyanang si Pokwang sa social media tungkol sa mga kabit.

Nag-comment si Pokwang sa tanong ng netizen na: “Gusto ko talaga malaman kung ang mga kabet na pinili kesa sa original wife is may mga peace of mind? Knowing na may tao silang sinasaktan at may batang na broken family dahil sa mga maling decisions nila sa buhay?”

Opinyon naman ni Pokwang dito: “Yung mga babaeng malalandi, makati lang… kung masaya sila ngayon dahil naagaw ng kalandian nila ang isang lalaki na may pananagutan lalo at may batang involve, well the wrath of God is coming! Di sila matatahimik, masaya sila sandali lang pero tandaan may nawasak silang puso at masaya sanang pagsasama, dahil sa kalandian at tawag ng ka pokpokan di nila antala si KARMA BAD KARMA SOON!”

Sey naman ng ilang netizen, wala raw karapatan si Pokwang na magsalita tungkol sa kabit.

“Last time I checked Pokwang was never married. So wala siyang K humanash sa kabit dahil never naman siya naging legal wife.”

“Makapangaral si pokie akala mo naman legal wife.”

“Wag ka makisalI kung di ka pa pinakasalan. Mistress by definition is extramarital relationship with a married man. So yun hanash mo sa personal buhay mo eh isarili mo na lang nagmumukha ka lang desperate.”

“Seriously? Pokwang, for sure sa ex na naman toh.”

TELETABLOID

Follow Abante News on