WebClick Tracer

Nililigawan si Kathryn? Dominic Roque pumiyok na

Nagsalita na si Dominic Roque ukol sa chikang nililigawan niya si Kathryn Bernardo.

Itinanggi niya ang tsismis tungkol sa kanila at sinabing kapatid o sister ang turing niya sa Kapamilya actress.

Nag-comment si Dominic sa Facebook post kung saan nakasaad: “Dominic Roque nanliligaw nga ba kay Kathryn Bernardo?”

Sey ng ex-fiance ni Bea Alonzo, “Kapatid ko po yan. Bros.”

Magugunitang sa “Showbiz Update” show ni Ogie Diaz, napag-usapan nila ng mga co-host niya ang ilang nagtatanong kung nililigawan daw ba ni Dominic si Kathryn?

Madalas daw kasing nakikitang magkasama ang dalawa.

“May nagtanong sa akin dahil madalas daw ang sightings kina Dominic Roque at Kathryn Bernardo,” ani Ogie.

“May nagtanong lang naman sa akin ha… ‘Mama Ogs, nanliligaw ba si Dominic Roque kay Kathryn Bernardo?’” dagdag pa niya.

Patuloy pa niya, “Siyempre hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. Ang alam ko, si Dominic at si Kathryn ay best of friends.” (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on