WebClick Tracer

ML, Zumba competition nagpasaya sa Brgy. Pag-ibig sa Nayon

Nagdaos ng Mobile Legends Tournament at Zumba Competition ang JEC Management Solution nina Jemuel Amor at Maine Zobel kasama sina Barangay Captain Aby Parwani at SK Chairman Althea Reyes ng Barangay Pag-ibig sa Nayon, Quezon City na sina Aby Parwani at Althea Reyes.

Layunin ng patimpalak na ginanap noong Hunyo 23, 2024, na makaambag sa pag-unlad ng komunidad at magbigay kaalaman para sa mga residente ng naturang barangay.

Walang registration fee ang mga naturang kompetisyon. 

Ang kailangan lamang sa Zumba ay dapat na active ang mga participant sa pagsayaw. Samantalang sa Mobile Legends tournament naman ay dapat maganda ang school records ng mga kalahok at hindi naka-stop sa pag-aaral.

“We’re promoting young generations na kayang-kaya pagsabayin ang hobby or talent sa online games while nag-aaral,” ayon sa organizer.

Itinanghal na kampeon sa Zumba ang Barangay Masambong at kampeon naman sa ML ang Team Durugista.

Present din ang ilang booth merchants na sumuporta sa naturang charity event. Kasama dito sina Ms. Nathalie ng Fruit Soda and Pastry, Mr. Ronald ng Kangkong Chips, Ms. Anariza ng Rice Meals, Ms. Lou ng Accesories, Ms. Elizabeth ng Better Blends at Mr. Nikael ng Babaylan Cafe.

Ayon sa mga organizer, ito ang kanilang kauna-unahang event at balak nilang umikot sa iba’t ibang komunidad para ipagpatuloy ito. (Jake Fran Galicia)

TELETABLOID

Follow Abante News on