WebClick Tracer

Mga opisyal ng Chinese embassy sa Manila dapat palitan, ‘di nakakatulong para maayos relasyon ng Pilipinas, China

Dapat palitan ang mga opisyal ng Chinese embassy sa Manila dahil hindi sila nakakatulong para umayos ang relasyon ng Pilipinas at China kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag sa Bagong Pilipinas public briefing ni Atty. Jay Batongbacal, isang maritime law expert at Director ng UP Institute of Maritime Affairs and law of the Sea.

Ayon kay Batongbacal, nakakadagdag lamang ang mga opisyal ng Chinese embassy sa pagkasira ng relasyon ng Pilipinas at China dahil sa halip na tumulong ayusin ay sila pa ang nangungunang gumagawa ng mga intriga.

Tinukoy ni Batongbacal ang pagbanat ng Chinese officials sa mga overseas Filipino worker sa Taiwan; ang pagtangging hindi ginamitan ng laser ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard; at Ilan pang mga pagkakataon aniya na tila pinagsasabihan ang Pilipinas kung ano ang dapat gawin; kasama na dito ang kamakailan ay isiniwalat na secret deal at ang recording conversation na nakakawala ng tiwala sa mga ito.

” Dapat silang palitan na at the very least no and that is being kumbaga that is a Diplomatic way already, hindi naman natin hinihingi yung kanilang daliri, hindi naman nation hinihingi na parusahan sila– ang hinihingi lang namin ay palitan sila ng mas matinong kausap,” ani Batongbacal.

Lahat aniya ng mga ginagawa ng mga opisyal ng Chinese embassy ay nakakasira ng tiwala na siyang nagpapasama sa relasyon ng Pilipinas at Tsina. (Aileen Taliping )

TELETABLOID

Follow Abante News on