WebClick Tracer

Manila Bulletin tech editor pinadalhan na ng subpoena

Isinilbi na ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ang subpoena para kay Manila Bulletin technology editor Art Samaniego sa opisina ng pahayagan sa Intramuros, Maynila.

Ayon sa mga source ng Abante Teletabloid, sinuspinde sa trabaho si Samaniego habang nagsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Manila Bulletin.

Nag-ugat ang subpoena kay Samaniego dahil diumano sa pagiging mastermind sa mga hacking incident sa mga government website at iba pang private company.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni NBI deputy spokesperson Sean Michael Dangilan, na naging basehan ng subpoena ang extrajudicial confession ng naarestong suspek na isang IT officer ng nasabing media outlet.

Sinabi ng IT officer na hinack niya ang mga website dahil sa utos ni Samaniego.

TELETABLOID

Follow Abante News on