WebClick Tracer

Lider ng ‘Chavez Criminal Group’ nadakma sa Pasig

ABANTE arestado retired police arrested jail crime

Inanunsyo ng Pasig City Police noong Lunes ang pagkakaaresto sa pinuno ng ‘Chavez Criminal Group’ sa isang manhunt operation sa Brgy. Caniogan, Pasig City.

Naaresto ito noong Linggo sa isinagawang joint manhunt operation ng Pasig Police Station Intelligence Unit, Special Reaction Unit at RMFB4A 404th Maneuver Company.

Nahuli ng mga operatiba ang suspek habang sakay ng nakaparadang motorsiklo sa Mahogany Dela Paz Street sa Brgy. Caniogan.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa custodial facility ng Pasig City Police.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on