WebClick Tracer

Imee ‘nahilo’ sa magkakaibang pahayag sa Ayungin Shoal incident

Kinuwestiyon ni Senadora Imee Marcos ang iba’t ibang pahayag ng mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng panibagong harassment ng Chinese Coast Guard sa tropa ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Foreign Affairs, sinabi ni Marcos na inihayag ni Armed Forces of the Philippines chief Gen. Romeo Brawner na “act of piracy” ang nangyaring insidente habang “misunderstanding” ang paglalarawan naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa insidente.

Iginiit naman ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na sinadya at hindi aksidente ang pag-atake ng China Coast Guard sa mga sundalo ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.

“Litong-lito na ang mamamayang Filipino. Paiba-iba naman tayo. Sabi ni Brawner piracy ito. Why did Executive Secretary Bersamin conclude completely differently?” tanong ni Marcos.

Paglilinaw ni Teodoro, “He did not conclude. He probably wanted to make sure of the facts.”

Tanong pa ni Marcos, “Ano yun walang proper verification sinalang na lang siya sa presscon? Tapos nilalaglag ng lahat? Anong klase yun?”. Giit naman ni Teodoro, “Wala pong laglagan. He was explaining the context.”

Nanindigan si Teodoro na ang posisyon ng gobyerno ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi dapat magmula sa Pilipinas ang gulo.

“We are not in the business of instigating war the President said. We have to really be conscious of our obligation that our territorial integrity is not compromised,” sabi pa ni Teodoro. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on