WebClick Tracer

Higit 20 packs ng droga naispatang lumulutang sa Ilocos Sur

Natagpuan ng dalawang mangingisda ang higit sa 20 packs ng hinihinalang shabu na lumulutang sa West Philippine Sea west ng Brgy. Solotsolot, San Juan, Ilocos Sur noong Lunes.

Ayon kay Police Major Benjamin Raquedan, napansin ng mga mangingisda ang mga pack ng transparent plastic na lumulutang sa dagat habang pauwi mula sa pangingisda sakay ng motor banca.

Ang bawat pack umano ay may Chinese markings na nagpapahiwatig ng kanilang tinatayang timbang.

Ayon kay Raquedan, ang mga ito ay dinala sa Philippine National Police Crime Laboratory para sa karagdagang pagsusuri at malaman ang kanilang halaga.

Sa inisyal na pagsusuri na isinagawa ng Provincial Forensic Unit, kinilala silang shabu.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on