WebClick Tracer

Heart Evangelista nakipag-awrahan kina Avril Lavigne, Ellie Goulding

Dalawang famous singer na sina Avril Lavigne at Ellie Goulding ang nakasama sa Paris Fashion Week ni Heart Evangelista.

Sa Instagram story, shinare ni Heart ang ilang clip kung saan kasama niyang nanood, rumampa at nag-pose sa isang fashion show para sa luxury brand Tamara Ralph sina Avril at Ellie.

May isa pang tagpo roon kung saan makikitang nakikipagchikahan si Ellie kay Heart sa front row.

Sa fashion show, nakasuot si Heart ng gold rose metal at crystal top na pinaresan niya ng long black pencil skirt na designed ng Tamara Ralph Couture.

Si Avril ang nasa likod ng mga hit song na “Sk8er Boi” at “Complicated”.

Ilan naman sa kilalang kanta ni Ellie ang “Burn” at “Love Me Like You Do”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on