WebClick Tracer

Babaeng pasahero ng LRT nagtangkang magpasagasa sa tren

Kinumpirma ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na kaninang 12:41 ng tanghali, Hunyo 25 ay isang babaeng pasahero ang nagtangkang magpatiwakal matapos itong bumaba sa riles ng tren partikular sa southbound ng Doroteo Jose Station ng LRT 1.

Agad na nakahinto ang tren pero bahagyang inabot ang babae kaya ito nagtamo ng minor injuries na agad din namang nadala sa ospital.

Dahil sa insidente ay pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng LRT kaninang 12:42 ng tanghali pero agad naman itong ibinalik sa operasyon ng 12:59 ng tanghali.

Walang ibinigay na impormasyon ang LRMC kung ano ang dahilan ng babae para subukang wakasan ang kanyang buhay. (Just Ignacio)

TELETABLOID

Follow Abante News on