WebClick Tracer

Apela ni Alice Guo sa suspensiyon, ibinasura ng Ombudsman

Ibinasura ng Office of the Ombudsman ngayong umaga, Hunyo 25 ang motion for reconsideration na inihain ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo upang bawiin ang ipinataw sa kanyang six-month preventive suspension.

Sa ibinahaging dokumento ng Ombudsman, binigyang-diin nito na mayroong solido at malakas na ebidensya laban sa alkalde kaugnay sa pagkakasangkot nito sa illegal POGO hub na sinalakay ng mga awtoridad kamakailan.

Pinagtitibay lamang umano ng mga ebidensyang ito ang preventive suspension na ipinataw ng Ombudsman.

Dagdag pa nito, hindi parusa ang preventive suspension na ipinataw kay Mayor Guo kundi unang hakbang sa isang administratibong imbestigasyon nang mapigilan ang alkaldeng gamitin ang kanyang posisyon para impluwensiyahan ang mga saksi o dayain ang mga dokumentong makakalap para rito. (Andrea Salve)

TELETABLOID

Follow Abante News on