WebClick Tracer

Abante Horoscope | June 26, 2024 Miyerkoles

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Biyernes, June 26, 2024

CANCER

(Hunyo 22 – Hulyo 22)

Pagbigyan muna ang pakiusap ng taong may atraso o utang sa’yo. Habaan pa ang pang-unawa. Hindi ka niya tatalikuran. Lucky number for today: 4

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Nakadepende sa`yo ngayon ang mga taong mahal mo kaya alagaan ang pangangatawan. Sapat na lakas at tibay ng katawan ang pairalin. Lucky number for today: 11

VIRGO

(Agosto 23 – Setyembre 23)

Kumalma. Isang tao ang susubok kung hanggang saan ang iyong pasensya. Magdudulot lang ito ng gulo kung papatulan. Lucky number for today: 6

LIBRA

(Setyembre 24 – Oktubre 23)

Magpakonsulta at wag balewalain ang anumang nararamdaman kung ayaw mong maging problema mo ito balang araw. Regular na mag-ehersisyo. Lucky number for today: 1

SCORPIO

(Oktubre 24 – Nobyembre 22)

Dedmahin lang ang mga taong naiinggit at manunutil sa`yo. Mas matutuwa sila kung makikita ka nilang apektado. Lucky number for today: 9

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 – Disyembre 21)

Itabi muna ang perang hawak dahil kakailanganin mo ito sa mga susunod na araw. Masusukat ngayon ang galing mo sa pagbadyet. Lucky number for today: 2

CAPRICORN

(Disyembre 22 – Enero 19)

Dumistansya sa kaibigang switik o mahilig manlamang. Unti-unti nitong sisirain ang iyong pagkatao kung hindi iiwasan. Lucky number for today: 12

AQUARIUS

(Enero 20 – Pebrero 18)

Wag magsawang gumawa ng kabutihan. Ang pagiging generous mo at husay sa pakikisama ang magiging susi mo sa pag-angat sa buhay. Lucky number for today: 5

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

Magiging balakid sa tagumpay ang balak na paghihiganti. May salitang karma. Hayaan mong ang tadhana na ang maningil. Lucky number for today: 8

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Ilagay sa lugar ang paggastos. Magkakaproblema sa pananalapi at mapapautang kung di papaawat sa pagbili ng kinahihiligan. Lucky number for today: 3

TAURUS

(Abril 20 – Mayo 20)

Mahahati ang puso at isip mo sa isang sitwasyong kinakailangan nang tuldukan. Maging wais sa pagdedesisyon. Lucky number for today: 7

GEMINI

(Mayo 21 – Hunyo 21)

Pahalagahan ang bawat butil ng bigas. Iwasang magtira ng pagkain sa hapag kainan para hindi magtampo ang grasya. Lucky number for today: 10

TELETABLOID

Follow Abante News on